Skip to main content

Sa Lábang Kasáma Ka


Hindi.
Hindi mo pwedeng takasan ang pwersang ito.
Hindi mo makakayang wakasin ang sinimulan.
Hindi mo ito pwedeng tawaging delubyo kahit gaano mo pa kagusto.
Dahil ito, ito ang bumuo, bumubuo at bubuo sa 'yo.
Ang bawa't sistema nito'y
Kabalikat na ng sistema mo.
Hindi mo makakayang pabayaan
Ang mga bagay na minsan sa 'yong nakatulong.
Ang bagay na minsan ka na ring ikinulong.


Oo. Mahirap itong sabayan;
Oo. Totoong mahirap ang pakikipaglaban.
Subalit ito ang kinakailangan mo; kailangan mo ang laban.
Ang hirap na papasuking alay para sa bayan.
Sa nagkakagulo mo nang bayan.
Nariyan kang sasabak sa gulo na wala nang ibang dulot,
Na hindi lámang ang pawis,
Kung 'di maging ang dugong bubuhos nang bubuhos
At dadaloy nang dadaloy
Dala ng pagsilakbó ng damdamin na pilit isinisigaw ng matatapang na puso at diwa,
Hanggang sa mawalan ka na ng hininga, Hanggang sa mawalan ka na ng pag-asa. Pero hindi.
Hindi mo ititigil ang laban.


Hindi ibong nag-aasam ng kalayaan
Ang laging dalà
Ng bawa't sigaw,
Ng bawa't hikbi,
Ng bawa't iyak,
Dalà rin nito'y ang inaasam-asam na hustisya sa mga bagay na nakikita mong hindi pantay at makatarungang atake sa mga mata mong mugtong patuloy na pinahihirapan ng nakatataas na pumipilit na supilin ang bawa't isa.


Ang paglípol sa layang hangad ang mag-uudyok sa bawa't pag-aksyon,
Sa bawa't pagsaad,
na pigilin ang ninanais
Ninanais na pagpiglas sa rehas na bumabaon sa mga Pilipino.


Bayang nasasadlak,
Nasasadlak sa dusa't kulungan ng isang sistemang patuloy na dumadaloy sa kaisipa't diwang nagpapatuloy sa paghubog na minsang nagpapaláson sa kawalang-malay ng iyong kabataan.


Bayan, ang sistema mo ay ang sistema ko. Ang bango't baho mo'y patuloy.
Patuloy, tuloy-tuloy-tuloy na aalingasaw. Paano ko 'to tatapusin?
Paano ka lulubusin?


Hindi ka pwedeng matapos.
Uulitin ko, hindi ka pwedeng matapos. Hindi ka pwedeng ganyan na lang. Ipagpapatuloy ko ang laban,
Sasamahan mo ako.
Tulungan mo ako.
Hanggang ang mga iyak at sigaw na naririnig ko lang ay makikintal sa isipang magiging bukás,
Magiging bukás para sa 'yo,
Para sa 'yo, kamtan ang magandang bukas.


Ako ay iisa.
Iisang may isip at diwa.
Narito akong hahawakan ka.
Hahawakan ka't ipaáalam ko sa 'yong sa labang kong ito'y kasáma ka.

Comments

Popular posts from this blog

IHY

 The hatred is piled up, enough to orchestrate a crime  and to hide it in nightmarish metaphors. I have imagined you getting piercing through the fragility of the roof of your mouth, until you beg for forgiveness with your really untamed spirit. Perhaps, flaying would be much better, but crying will be reverberated through every corner of your long shattered room, as your annoyingly pleading voice will still be heard. An unforgivable, hell-bent serpentine, you always are, caressing the man’s ego extracting his exhaustion, and me against a fiend in your presence. Such a soft way to demonstrate hell to you— as it was not even a flinch, or a poke. You deserve heaven appearing reverse, so the gods you have known will forbid your salvation.

24?

"Twenty-four seems scary," I tell myself. Sometimes, I tell jokes, or mostly, it was conveniently told, like how a laugh returns and  introduces itself as villainous friend, but an enemy is the positivity that takes. It is so much scarier when it visits me: a quicksand brought by faux geniuses, a peeking sock-made puppet,  I am a whole drama— a ventriloquist of his own dreams. Delighted by my father's cake: "Happy birthday, son!"  I still know how to stay still  when everybody sings me one.  My Mom gave me bills: Money is an angel.  Indeed, for it lets me fly out of the reality— out of reality that everything  is still made of infinite loops,  as in manmade experiments, and how they can be destroyed by one gentle blow.

Lualhati

Lualhati sa ama, ilawan ang ina ng mga batang lumalaban sa lansangan. Lualhati sa mga anak na   mula sa dekadang sumupil,   sa kanilang bukang-liwayway ang naging sandigan. Babae ang dangal, lalaking iniluwal;   lalaking hinugot sa tadyang,   ang kaniyang hiningang pagál. Walang-saysay yaring libong dasal-pulang láso man o kalimbahing asal ng dekadang pinipigilan sa pag-usal. Sa bukang-liwayway ang kalayaan; Ang nakaambang pagdatal ng daluyong mula sa rumaragasang dugo  at ang lapot nitong nakakubli sa mga páhina ng mga dustang aklat. Ang wikang tinta, tonong pagsamo't pakikibaka,  ang aking taál. Lualhati sa mga ama, sa mga anak na hindi pa naluluwal; legasiyang sumibol, higit pa sa mga pilas ng mga akda. Lualhati sa espiritung sa kanya'y tatahak,  at sa sansinukob niyang walang magtatangkang yuyúrak.