Skip to main content

Pagtapak sa Sariling Lupa

Sandigan ko ang sapíng sumasalo sa mga paa,
na sa bawa't yapak ko ay ang pagsumamo—
mula sa aking mga pagluhod buhat sa pagdarasal ng aking kaginhawaan.
Saksi ang mga hibla ng buhok na dumarapo sa aking braso
Mula sa aking pagtangis, gayundin sa aking lupain,
Kaparis ng lupang niyuyurakan ang kinabubuhay kasamà ng aking mga katipon.
Sila itong aking mga panginoon, 
kasama ang mga demonyo sa aking kalooban, 
Kidlat nila sa aking kumitil ng pag-asa; nguni't narito akong tila isang basáng sisiw.
Sa init ng pugad, sa lamig ng hanging mapagtangay,
Ako ay magsusumamo, ako ay hihiling:


Sumambulat ka, aking liryong dala'y galak!
Sa iyong palad, sa iyong bagong pahina,
Ako ay isang hamak na lipon ng mga pasakit at pagkasiya.
Dalasán mo ang paghipo,
Datapwa't ako ay pahintulutan pa ring mapagtagumpayan ang pagkalas sa aking likás na pagkatao.


Sa sarili kong kalakasan, ako ay dampian;
Sa aking pinakamalambot na banig, ako ay ihimlay—ibigay ang nararapat kong pahinga.
Mula sa pagtayo ko, harinawa, 
Damá ko ang pagtindig ng aking katawan
Habang ako ay bumabagtas sa iba pang lupain—sa Visayas man o sa Mindanao.
Dalangin ko ang pagpapanatili ng aking pagiging pantás,
At pangako sa sarili ang pagtapak sa aking lupa.

Comments

Popular posts from this blog

IHY

 The hatred is piled up, enough to orchestrate a crime  and to hide it in nightmarish metaphors. I have imagined you getting piercing through the fragility of the roof of your mouth, until you beg for forgiveness with your really untamed spirit. Perhaps, flaying would be much better, but crying will be reverberated through every corner of your long shattered room, as your annoyingly pleading voice will still be heard. An unforgivable, hell-bent serpentine, you always are, caressing the man’s ego extracting his exhaustion, and me against a fiend in your presence. Such a soft way to demonstrate hell to you— as it was not even a flinch, or a poke. You deserve heaven appearing reverse, so the gods you have known will forbid your salvation.

24?

"Twenty-four seems scary," I tell myself. Sometimes, I tell jokes, or mostly, it was conveniently told, like how a laugh returns and  introduces itself as villainous friend, but an enemy is the positivity that takes. It is so much scarier when it visits me: a quicksand brought by faux geniuses, a peeking sock-made puppet,  I am a whole drama— a ventriloquist of his own dreams. Delighted by my father's cake: "Happy birthday, son!"  I still know how to stay still  when everybody sings me one.  My Mom gave me bills: Money is an angel.  Indeed, for it lets me fly out of the reality— out of reality that everything  is still made of infinite loops,  as in manmade experiments, and how they can be destroyed by one gentle blow.

Conveyor Belt

For like a conveyor belt I lay before you my present: prosthetically decapitated head; well decorated with crystals; synthetic beads; a barbed wire pierced through the iris.   Hungry men before me: I examine, I hear the borborygmus, tingling sensation when my plastic bones crack and break the ceilings. A mirror on the wall   where mother used to lean her idealism against. Now rest the rusts, webs of a Black Widow, which is not native to this house: as her now demeanor,   as her now demeanor, repeating, reeling and reeling as I sit trying to weave, for my soft dreams have now become plagued long before I dared to sleep my heavy. As a belt: I lay my body as they try to fit the loose holes to fit my thinness. My insides as they churn   from a deafening machine audibly discernible so my father could hear, yet faint as his late regrets.