Skip to main content

Huwad

Purihin yaong pigurin;
Ako ang diyos,
Yapusin, dumugin, ako'y dinggin!
Siginarugan, sa lupa ikaw ang kanang-kamay;
"Alay sa iyo'y aming pamimintuho!"

Pinagmasdan ko ang tagpong ito habang nanginginig.
Yaong mga aninong ligáw at
Ang pagsusumiksik nilang mga huwad;
Gálit ng poon nilang ramdam sa 'di-mabilang na mga yabag.
Lumuha ma'y wala itong diringgin;
Lahat ng mga ito ay nakagapos—balót sa hinagpis at pasakit.
Isa-isang naglalakad sa likha nitóng lupa, habang naaagnas kasamà ang mga puting saplot.
Dala ang labintatlong-libong kadena na nakapulupot sa kanilang mga katawan.

Ito'y nagsalita sa tono ng isang kulog:
"Durugin, durugin yaong mga salot!"

Takbo, kawawang nilalang;
Dalangin mong hindi na natugunan!
Sa nagdaang siglo ng pagkitil, wala na'ng kalamnan,
Gutóm na gutóm itong dambuhalang poon,
Nguni't ito pa ri'y hinahagkan.

Walang-pikit kong pinagmamasdan itong mga anyo,
Habang unti-unting nagsisilabasan ang mga lamanloob—isang panata.
Ang baho nitó ay isang santong tumbas;
Isang hibík, isang palahaw, kalulugdan nitó.

Kiskisin ang kuko, walang humpay ang pagsusumamo, at ito'y sumigaw sa kanila:
"Halakhak para sa inyong mga aba.
Halakhak lámang sa iyo.
Walang awa.
Walang awa.
Awitan ninyo ako, kayong mga dukha!"

Ang latigo nitó ay gawa sa ginto.

"Amen," ang tugon nila.
Nangangatal; nakita ko pa ring nakataas ang kanilang mga kamay.

"Ito ang kaligtasan!" Dagdag pa ng isa sa kanila, habang sinisilaban ng apoy ang kanyang payat na pangangatawan.

Comments

Popular posts from this blog

IHY

 The hatred is piled up, enough to orchestrate a crime  and to hide it in nightmarish metaphors. I have imagined you getting piercing through the fragility of the roof of your mouth, until you beg for forgiveness with your really untamed spirit. Perhaps, flaying would be much better, but crying will be reverberated through every corner of your long shattered room, as your annoyingly pleading voice will still be heard. An unforgivable, hell-bent serpentine, you always are, caressing the man’s ego extracting his exhaustion, and me against a fiend in your presence. Such a soft way to demonstrate hell to you— as it was not even a flinch, or a poke. You deserve heaven appearing reverse, so the gods you have known will forbid your salvation.

24?

"Twenty-four seems scary," I tell myself. Sometimes, I tell jokes, or mostly, it was conveniently told, like how a laugh returns and  introduces itself as villainous friend, but an enemy is the positivity that takes. It is so much scarier when it visits me: a quicksand brought by faux geniuses, a peeking sock-made puppet,  I am a whole drama— a ventriloquist of his own dreams. Delighted by my father's cake: "Happy birthday, son!"  I still know how to stay still  when everybody sings me one.  My Mom gave me bills: Money is an angel.  Indeed, for it lets me fly out of the reality— out of reality that everything  is still made of infinite loops,  as in manmade experiments, and how they can be destroyed by one gentle blow.

Lualhati

Lualhati sa ama, ilawan ang ina ng mga batang lumalaban sa lansangan. Lualhati sa mga anak na   mula sa dekadang sumupil,   sa kanilang bukang-liwayway ang naging sandigan. Babae ang dangal, lalaking iniluwal;   lalaking hinugot sa tadyang,   ang kaniyang hiningang pagál. Walang-saysay yaring libong dasal-pulang láso man o kalimbahing asal ng dekadang pinipigilan sa pag-usal. Sa bukang-liwayway ang kalayaan; Ang nakaambang pagdatal ng daluyong mula sa rumaragasang dugo  at ang lapot nitong nakakubli sa mga páhina ng mga dustang aklat. Ang wikang tinta, tonong pagsamo't pakikibaka,  ang aking taál. Lualhati sa mga ama, sa mga anak na hindi pa naluluwal; legasiyang sumibol, higit pa sa mga pilas ng mga akda. Lualhati sa espiritung sa kanya'y tatahak,  at sa sansinukob niyang walang magtatangkang yuyúrak.