Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2025

Nazareno

Kung ang bawat lubid na hawak ko ay sumusukat sa tatag ng aking pananampalataya, huwag mag-atubiling lagyan ang bawat dipá ng alambre habang ang mahabaging Diyos ay nasa hawlang mababasagín: hitík sa mga bulaklak—plastik, sintetiko, sintetiko ang paniniwala ko, sapagkat kayà kong humulma nitó habang tinutulak ako ng lupón ng kapulisang hindi batid ang dasal kong dalá. Bakit ako tinutulak ng kapulisan sa pagtawid sa tulay na sarado? Hindi ba nila ako naiintindihan, at ang aking inang nasa aking balikat; sa kabila, ang aking amang uugod-ugod ngunit kapantay ng mga paa kong tumatapak nang walang sapín, habang dinadampi sa kulubot na mukha ang bente-pesos na bimpong binili sa Divisoria para lámang sa okasyong ito, para lamáng sa okasyong ito. Ika : "Anak, ang baryang ipinambili ay gáling sa Diyos, pero ang kapahamakan sa pagtapak ko ay hindi ko matatatap.” Uminom ako ng de-boteng tubig: isang lagok kaalinsabay ng kilometrong sakripisyong pagliligtas. Isang lagok, dalawang dagok, ako a...

Conveyor Belt

For like a conveyor belt I lay before you my present: prosthetically decapitated head; well decorated with crystals; synthetic beads; a barbed wire pierced through the iris.   Hungry men before me: I examine, I hear the borborygmus, tingling sensation when my plastic bones crack and break the ceilings. A mirror on the wall   where mother used to lean her idealism against. Now rest the rusts, webs of a Black Widow, which is not native to this house: as her now demeanor,   as her now demeanor, repeating, reeling and reeling as I sit trying to weave, for my soft dreams have now become plagued long before I dared to sleep my heavy. As a belt: I lay my body as they try to fit the loose holes to fit my thinness. My insides as they churn   from a deafening machine audibly discernible so my father could hear, yet faint as his late regrets.

What I Would Wear To Tell The World How Grateful I Am For This Year

If gratitude were a garment, the fiber of it would be unworthy of display: teal-colored, whose unique existence was never entertained. It was small-sized, and how it will be quickly disfigured with a pointless needle. My agony, my griet, my thirst: the only time I quenched them was when I held a cold pair of hands, and it was months ago. If gratitude were a garment, it would not fit like my grandmother's sleeves, as it was never knitted for it to be worn; unless, the bones were to be excavated from the crevices of this broken earth. The woman whose love was unrequited, and whose fashion was a delight: once open for bidding— now priceless. I witnessed her fitting for white cushion-which she was sleeping with-became her last. If gratitude were a garment, it would receive stares,   as "glory days" have never walked towards me, for I was always naked.

Pisong Rizal

Kinalakhan ko ang sabi-sabing nasa piso si Rizal upang madaling maabot ang mga tao. Naalala ko at pinakatitigan ang kaláwang ng baryang ito ay ilang taon na ring naglalakbay: pinambayad ng mga alaala; naging kapalítan ng kendi; gamit pangkiskis sa kongkreto; pinang-ukit sa pangako ng pagmamahal sa isang bato. Hanggang sa ipinambato sa fountain na kinalakipan ng pangakong pagmamahal o dalangin ng kagalingan. Ang pagpapahalaga ay humigit sa pisikal na hitsura nitó—umikot-ikot hanggang sa maging panagdag na lámang sa mga okasyon, sa handaang hindi sapat ang limang pirasong perang papel. Pisong Rizal, kawawang káwal ng lipunan; naging limitado sa sukling kung minsan ang pagtanggap ay labag sa kalooban. Kabaligtaran sa mga naniniwalang magsasabing siya ay minsang nanahan sa ilalim ng marmol— nakahimlay nang walang pag-aalinlangan kung paano iikot ang sikulo na kinabukasan ay magmumula sa gatilyo ang kanyang kamatayan. Sapagkat dalawa lamang ang bahagi ng barya: ang tao at ang ibon— isang ta...