Skip to main content

Para sa Kaisa-isang Tulang Humihinga

Ang aking kuwento ay umiikot lamang sa dalawa:
Hiraya sa umaga, katotohanan sa gabi. Narito ang mga
Reduplikasyon ng mga salitang bibihis ng bugso.
Aahon, bibilis, at tatalon hanggang maabot ang apat na sulok.
Mananahan, at doon mananahan ang aking hapong katawan.
 
Escolta, anak ng Maynila, ako ay ampunin, sa iyong sulok
Maglalakbay tayo nang nakayapak. Mula sa init ng natuyong aspalto,
Magtatagpo tayo sa kung saan iniluwal ang isang anak ng Tundo.
Ako ay luluwas nang madaling-araw kahit dalawang kilometro lang ang humihiwalay sa amin;
Narito ang kasabikan ko, ang mga paa ang aakay patungo sa kanyang ina.
 
Uuwi at sasaluhin ng pinakamagaan na papag. Habang ang
Elesi ang natatanging ingay na naririnig.
Lahat ng pagod ay papawiin ng mapupulang labi;
Sa mga mata ang kahandaan kong umibig sa aking sarili,
At ang mismong init ay magpapatulog sa atin.
 
Ibig ko, sa aking panaginip, tayo ay naglalaro sa gitna ng mga sabi-sabi,
Yaman ko ang ating sigaw sa lipunang hukom ang karaniwan.
Obra natin ang nangagsalitang karanasan,
At ito ay magkakatawang-pakpak sa hangin, at
Narito akong aagapay kahit ikaw ay nakalilipad na.
 
Gigising tayong pinalilibutan ng bunga ng kultura;
Lipon ito ng mga lamanlupa, at ipokritong laman ay butas na pagkatao. Gayunpaman,
Ang pera daw, giliw, ay hindi nabibili ang gusto, nguni’t ako ay
Narito—bihis ng aking luho. Ibig, totoo, ang salapi ay walang silbi,
Gawaran man ako ng pinakamayayamang tao sa lipunan, hindi kailanman makararamdam ng pag-ibig ang perang papel.
 
Ito ang tunay kong pamana: ang tulang malaya at may sukat.
Tambis ko mang bigkasin ang bawa’t taludtod, nguni’t
Ang tono ay sa tinig mo lamang nalalapatan ng awit na
Tatatak sa akin, habang ako ay isang blangkong papel
At dito nating iwawaksi ang kanilang mga alamat.
 
Kikinang ang lahat ng aking luhang pumatak sa magkabilang mata;
Ito ang nahuhulog sa kanilang ilog. Ang bigat ko ang dahilan ng sariling pagkalunod,
Nguni’t, mahal, ako ang sariling look, at ikaw ang barkong lagi kong aabangang dumaong sa
Aking payapang tubig, kahit sa ilalim nito ang mga patay na isdang
Nasawi sa sariling interes ng sangkatauhan.
 
Ginalugad ko ang bawa’t sulok ng tahanang kilala ko, giliw, subali’t
Pare-pareho ang kanilang pintura.
Abo ng nangaligaw na mga kaluluwa ng aking ninunong nakabuhol sa nakasasakal na kultura. Ang sala nito ay
Gawa sa mga halakhak at baro; ito ang paboritong tagpo ng aking lolo habang nililinisan niya ang kanyang antipára. Ang kusina ay may amoy ng tinolang kahinaan daw ng iba, nguni’t
Gamay ng aking lola ang bawa’t hibla ng kanyang asawa.
 
Ang lahat ng sulok ay kasaysayan ng aking kasaysayan. Habang sa
Lababo ang kinakalawang na mga bakal na naging saksi ng mga sigawan ng aking angkan.
Ang kaganapang iyon ay mas malinaw pa sa pumapatak na tubig sa gripo.
Narito ang aking alaala, irog, na tinulungan mong makalimutan ko; at mula sa aparador
Gumapang ako patungo sa kung saan lulan ang iyong pinagluwalan.
 
Ang mga tao ay bigkis ng kanilang pagkakamali, nguni’t bakit
Tanging ikaw ang lumipol sa pagkakabuhol ng aking hikahos?
Sabi nila, “Hindi ako makaaahon sa aking pagkalugmok sa bawa’t krisis”;
Ang tao ay tao sa kani-kanilang mundo, nguni’t
Ikaw ay isang bagay na hindi kailanman kakasya sa aking mga palad.
 
Yuyuko ang mga bulaklak na aking inalagaan sa
Oras na iyong lakaran ang hardin ng aking pagkabata.
Nandito na ang mga paruparo—sila ay nasa kulay ng araw, ng lupa, at ng karagatan.
Gunitâ, ang gunitâ ko ay nasa himpapawid, sa kalakasan ng
Hangin, ako nawa’y panatilihin sa aking pahina.
 
Ito ang aking kuwentong nasa dulong bahagi, nguni’t kailanman ang
Rebolusyon ng aking araw-araw at gabi-gabi ay magpapatuloy.
Ako ang lakas ng kahinaan, ang kahinaan ng aking lakas, at ito ang aking
Yamang hindi sasalubong sa aking hinaharap, sapagka’t sa huli’y
Ako ang mesíyas ng sarili at ikaw ang nag-iisang tulang humihinga.

Comments

Popular posts from this blog

IHY

 The hatred is piled up, enough to orchestrate a crime  and to hide it in nightmarish metaphors. I have imagined you getting piercing through the fragility of the roof of your mouth, until you beg for forgiveness with your really untamed spirit. Perhaps, flaying would be much better, but crying will be reverberated through every corner of your long shattered room, as your annoyingly pleading voice will still be heard. An unforgivable, hell-bent serpentine, you always are, caressing the man’s ego extracting his exhaustion, and me against a fiend in your presence. Such a soft way to demonstrate hell to you— as it was not even a flinch, or a poke. You deserve heaven appearing reverse, so the gods you have known will forbid your salvation.

24?

"Twenty-four seems scary," I tell myself. Sometimes, I tell jokes, or mostly, it was conveniently told, like how a laugh returns and  introduces itself as villainous friend, but an enemy is the positivity that takes. It is so much scarier when it visits me: a quicksand brought by faux geniuses, a peeking sock-made puppet,  I am a whole drama— a ventriloquist of his own dreams. Delighted by my father's cake: "Happy birthday, son!"  I still know how to stay still  when everybody sings me one.  My Mom gave me bills: Money is an angel.  Indeed, for it lets me fly out of the reality— out of reality that everything  is still made of infinite loops,  as in manmade experiments, and how they can be destroyed by one gentle blow.

Conveyor Belt

For like a conveyor belt I lay before you my present: prosthetically decapitated head; well decorated with crystals; synthetic beads; a barbed wire pierced through the iris.   Hungry men before me: I examine, I hear the borborygmus, tingling sensation when my plastic bones crack and break the ceilings. A mirror on the wall   where mother used to lean her idealism against. Now rest the rusts, webs of a Black Widow, which is not native to this house: as her now demeanor,   as her now demeanor, repeating, reeling and reeling as I sit trying to weave, for my soft dreams have now become plagued long before I dared to sleep my heavy. As a belt: I lay my body as they try to fit the loose holes to fit my thinness. My insides as they churn   from a deafening machine audibly discernible so my father could hear, yet faint as his late regrets.