Skip to main content

Paano ako nagbibigay-kaisahan sa watak-watak na karanasan na dinudulot ng aking buhay?

Hanggang ngayon, hindi ko pa batid kung paano ko bibigyang-kasagutan ang ganitong klase ng mga tanong nang umaayon din sa karampatang obhetibo-subhetibong tugon. Isa pang bagay, dahil sa pagsasagot ko sa katanungang ito ay hindi ko napipigilan ang sarili na lunurin muna sa mga sambitla ng musika. Hindi kaya’t ibig sabihin noon ay hanggang ngayon ay bumabatay pa rin ako sa kung paano ako ipaliliwanag ng bawa’t liriko na binabato ng mga paborito kong mga kanta, o kahit sa anong aspekto ng anumang bagay? Nguni’t kung wala ito, sinisisid ko ang mga metapora, ritmo at metro ng mga tula—parehong likha ng iba at sariling katha. Naalala ko pa noon kapag nagsisimula pa lamang akong humabi ng mga salita, bahagi yata talaga ang pagiging kuwela o malaro sa mga salita—sa pag-aakalang ito ang tunguhin ng isang akda, partikular ng tula. Ilang beses ding nakapagsayang ng mga papel, nakapagsunog—nang literal—ng mga larawan ng mga taong sinandalan at sa hulí hihigupin din ang pangkalahatang lakas mo para sa kanilang kapakanan. May mga oras na dumarating din sa pagkaubos sa pagkapuno—ito ang kabalintunaan madalas.

Sa tingin ko, ang bawa’t tao ay natural nang isang lipon ng mga sayá at pasakit—na ang ganitong mga sitwasyon ang nagsisilbing mapag-ugnay na sanga ng kani-kanilang buhay upang magkaroon pa ng makakapitan na may matibay na pundasyon na unti-unti nang naguguho nilang buhay. Sa ganitong mga sitwasyon, nahihirapan akong tuntunin kung saan ako nararapat kumíling—kung sa aking mga kapakinabangan o sa kanilang mga adhika. Ano’t ano pa man, kung paano ko hinahabi ang mga tula kong nasusulat kadalasan sa Ingles, hindi ako magdadalawang-isip na tangkilikin pa ang lente kong iintindi, hindi lamang pumapatungkol sa akin, kundi sa mga taong naniniwala sa akin.  

Gayundin, katulad ng nakatha kong mga tula, na dulot din ng aking mga karanasan, ito ang naratibo kong pagtugon kung paano nagbibigay-kaisahan sa pagkawatak-watak ng aking mga karanasan–na kahit hindi sigurado ang nag-aabang na kasiyahan o kasukdulan umaayon pa rin ako rito nang walang natitinag na paniniwala ng paghilom ng sariling mga sugat. Katulad nga ng tinuran ni Rogelio L. Ordonez sa kanyang tulang ‘Di na Ako Makahabi ng Tula’, “… muli kong sasamyuin mga pulang rosas sa ulilang hardin ng mga pangarap, muli kong idadampi ang palad sa nagnaknak na sugat ng mga dantaon…” Hindi ba’t ang pakikibaka ng buhay ay isa lamang pag-angat muli mula sa nangagsaling paniniwala upang pakurbahin na lamang ang mga labing nilaylay ng sarili, at maging ng lipunan? 

Ito ang aking tuntungan, ito ang aking tutuntungan.

Comments

Popular posts from this blog

IHY

 The hatred is piled up, enough to orchestrate a crime  and to hide it in nightmarish metaphors. I have imagined you getting piercing through the fragility of the roof of your mouth, until you beg for forgiveness with your really untamed spirit. Perhaps, flaying would be much better, but crying will be reverberated through every corner of your long shattered room, as your annoyingly pleading voice will still be heard. An unforgivable, hell-bent serpentine, you always are, caressing the man’s ego extracting his exhaustion, and me against a fiend in your presence. Such a soft way to demonstrate hell to you— as it was not even a flinch, or a poke. You deserve heaven appearing reverse, so the gods you have known will forbid your salvation.

24?

"Twenty-four seems scary," I tell myself. Sometimes, I tell jokes, or mostly, it was conveniently told, like how a laugh returns and  introduces itself as villainous friend, but an enemy is the positivity that takes. It is so much scarier when it visits me: a quicksand brought by faux geniuses, a peeking sock-made puppet,  I am a whole drama— a ventriloquist of his own dreams. Delighted by my father's cake: "Happy birthday, son!"  I still know how to stay still  when everybody sings me one.  My Mom gave me bills: Money is an angel.  Indeed, for it lets me fly out of the reality— out of reality that everything  is still made of infinite loops,  as in manmade experiments, and how they can be destroyed by one gentle blow.

Lualhati

Lualhati sa ama, ilawan ang ina ng mga batang lumalaban sa lansangan. Lualhati sa mga anak na   mula sa dekadang sumupil,   sa kanilang bukang-liwayway ang naging sandigan. Babae ang dangal, lalaking iniluwal;   lalaking hinugot sa tadyang,   ang kaniyang hiningang pagál. Walang-saysay yaring libong dasal-pulang láso man o kalimbahing asal ng dekadang pinipigilan sa pag-usal. Sa bukang-liwayway ang kalayaan; Ang nakaambang pagdatal ng daluyong mula sa rumaragasang dugo  at ang lapot nitong nakakubli sa mga páhina ng mga dustang aklat. Ang wikang tinta, tonong pagsamo't pakikibaka,  ang aking taál. Lualhati sa mga ama, sa mga anak na hindi pa naluluwal; legasiyang sumibol, higit pa sa mga pilas ng mga akda. Lualhati sa espiritung sa kanya'y tatahak,  at sa sansinukob niyang walang magtatangkang yuyúrak.