Purihin yaong pigurin; Ako ang diyos, Yapusin, dumugin, ako'y dinggin! Siginarugan, sa lupa ikaw ang kanang-kamay; "Alay sa iyo'y aming pamimintuho!" Pinagmasdan ko ang tagpong ito habang nanginginig. Yaong mga aninong ligáw at Ang pagsusumiksik nilang mga huwad; Gálit ng poon nilang ramdam sa 'di-mabilang na mga yabag. Lumuha ma'y wala itong diringgin; Lahat ng mga ito ay nakagapos—balót sa hinagpis at pasakit. Isa-isang naglalakad sa likha nitóng lupa, habang naaagnas kasamà ang mga puting saplot. Dala ang labintatlong-libong kadena na nakapulupot sa kanilang mga katawan. Ito'y nagsalita sa tono ng isang kulog: "Durugin, durugin yaong mga salot!" Takbo, kawawang nilalang; Dalangin mong hindi na natugunan! Sa nagdaang siglo ng pagkitil, wala na'ng kalamnan, Gutóm na gutóm itong dambuhalang poon, Nguni't ito pa ri'y hinahagkan. Walang-pikit kong pinagmamasdan itong mga anyo, Habang unti-unting nagsisilabasan a...
"Comfort mostly lies in the depth of the words written."