Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2020

bagong taon, bagong tao.

Maraming beses mo nang sinabing "200x na... 201x na... Magbabago na ako." "Time is just a social construct," ika nga nila. Hindi ko sinabing madali, hindi ko sinabing "bilís, ikaw na lang ang walang ambag, ikaw na lang ang walang úsad." Ang sinasabi ko ay "ikaw ang sarili mong oras; Bigyang diín ang sariling kakayahan; ikaw ang sarili mong lúnas sa panlabas man o panloob. Maniwala sa talà. Maniwala sa kapangyarihan. Ang oras ay batayan lámang ng isang pagpapatuloy at/o pagpipigil ng anomang bagay, pero ikaw ang patuloy na bugsô sa sarili mong mundo't búhay.

Patay na Hari

Apoy ng kasabikan Unti-unti nang pinapatay ng hanging dala ng lipunang mandurugas, Kamay na amoy-kalawang Na kahit ilang hugas, Ang basurang nilalangaw na kapatid ng bangkay na naaagnas. Dalawin nawa ng mga bulaklak Na nalanta't nangamatay Sa pangangalaga ng mga mapiling kamay. Hibik ng mga taong nagsisisi sa harap ng lamay—"parang awa ninyo na" sambitla ng patay. Kamusmusang tinatawanan ng mga multong ánimo'y kung sinong mga bayani; Pandayan ng mga pagsambang mga naghaharing-uri—sa sariling templo gawa ng maitim na budhí. Sandigang tinta ng mga gaa't pasakit, Walang humpay sa aking dugô kung sumipsip Indák ng kamay kung 'di ma'y hanging iihip. At doon ma'y magpapatuloy ang dalúyong na sisira sa baít at magtatalaga sa aking, " Ikaw ang patay na hari sa sarili mong pag-iisip ."
Ilang pag-ibig pa ang susulating hindi ka mangingiwi sa sarili mong karanasan? Nakatatatwa ba ang pag-ibig minsang sa 'yo'y nagpahalina, Naging bulok lang ang inaasahan mong masarap na bunga? Hindi mo pwedeng hawakan ang mundo—hindi siya ang mundo mo. Hindi siya ang pag-ikot, maging ang pagtigil. Hindi mo pwedeng ipagdamot ang pahinga sa katawan mong hapóng-hapó na. Hindi katapusan ng buhay ang katapusan ng dalawang kaluluwang minsang nangako sa isa't isa. Hindi magtatambal ang isa sa isa kung hindi kayo magkaiba. Oo na't ang isang bayani'y nagpakamatay para sa bayan, Nguni't hindi ka ipinanganak para pagtayuan ng rebulto sa isang bayan; Ikaw ang buháy na magpapatuloy pa sa agos ng búhay—sa mundo ng pasákit at ubod ng pait.  Huwag mong ihiwalay ang sarili mo sa daloy; hindi ang kawalan mong minsan ay kawalan mo nang panghabambuhay. Minsan ang paglayo nang ilang saglit ay gamot sa hindi makitang paggaling, Sa oras na'ng paghinga mo ay magaan,

face my two-faced living (haiku)

1. Shall I hear my Woe Into the pit of these deeds? Live to thy burden. 2. Put thyself in verse And fly to the weightless place Exalt thy pained self. 3. Forgive me unhealed I praise t'is permanent taste Endured agony. 4. Leave my eyes unread Quench my anguish on ablaze And pour not my blood. 5. " It is what it is," Said the men in search for bliss; Make me feel my ease.

Perfect Kingdom

There  are his straight, perfectly-lined eyes That melted through heat the ice Whenever I look at them in vision. I witness the stars in the horizon. How much more are the lips and nose. That point perfectly upon a gaze. His smell as luscious as the rose; Every part lines making up the entirety of his face. He is perfect in his perfect ways; He is a god in his own kingdom.

Tears of the Devastated and Torn Ground

" Tremble me, " it voiced out—begging; and it occurred, came to them mercilessly. "like a shivering wind in the night, like an unbearable force, make them taste my wrath. everything they have done will beget turmoil, for I am their living turmoil! shake their consciousness; make them cry and see their remorse, and make them hope for their restoration!"

Paghinga, Paghina

Isang hingá, Isang kalabit sa gatilyong bugá; Isang hingá, Isang pagsadlak sa dusa. Hahandusáy ang katawán—lantá at lupaypáy; Sa lupà ay mananatiling hininga't bantáy. Imahe ng pasakit at karimlan, Kasarinlá'y sa langit ang himlayan. Walâ ang pahingá sa mundo, Walang pahingá ang mundo. Pagdarahóp ang karaniwang bugsô, Ang pithayà mo'y sa langit ang tagpô.