Skip to main content

Sa Bawa't Araw na Darating


Didilat mula sa himbing ng tulog, 
Wala na'ng dilim na bumabalot--maging ang kidlat at kulog.
Sa pagsikat ng araw, sa pagtilaok ng manok.
Bubungad ang mistulang mga matang nangungusap.
"Bangon na't mahaba pa ang araw," ang pakiusap.
"Heto ang baon mo, kumain ka ng kung ano'ng gusto mo."
Isang ngiting sigurado ang lambing.
Isang taos-pusong kurba ng mga labing gumising.

Sa bawa't araw hindi lamang ikaw ang tilaok ng umaga;
Hindi lamang ikaw ang unang "kumusta ang tulog mo" na sambitla.
Ikaw rin ang huni sa mga oras ng panglaw.
Ang badya ng masamang panahon, ikaw ang lumulusaw.
Ang simpleng pagtapik ay ang paghinahon sa kalooban ko't sigaw.

Sa bawa't araw na dumarating,
Patuloy mong binabantayan ang mga hilik,
Patuloy mong hinahagkan kapag nanginginig.
Amoy, dama, dinig, kita ko ang gaan ng intensyon.
Sa lamig, sa kaba, sa takot, sa kilig, sa lahat ng emosyon.

Sa bawa't araw na dumarating, sa bawa't hikahos at malalim;
Ikaw ang sandalan ng buhay, ikaw ang isa sa mga paksang dalangin.
Rurok ng tagumpay sa iyo ay iaalay sa salita't gabay.
Manatili kang buhay sa mundo ang taimtim na panalangin,
Harinawa magpatuloy sa aking buhay, puso't paglalakbay.

Comments

Popular posts from this blog

IHY

 The hatred is piled up, enough to orchestrate a crime  and to hide it in nightmarish metaphors. I have imagined you getting piercing through the fragility of the roof of your mouth, until you beg for forgiveness with your really untamed spirit. Perhaps, flaying would be much better, but crying will be reverberated through every corner of your long shattered room, as your annoyingly pleading voice will still be heard. An unforgivable, hell-bent serpentine, you always are, caressing the man’s ego extracting his exhaustion, and me against a fiend in your presence. Such a soft way to demonstrate hell to you— as it was not even a flinch, or a poke. You deserve heaven appearing reverse, so the gods you have known will forbid your salvation.

Pisong Rizal

Kinalakhan ko ang sabi-sabing nasa piso si Rizal upang madaling maabot ang mga tao. Naalala ko at pinakatitigan ang kaláwang ng baryang ito ay ilang taon na ring naglalakbay: pinambayad ng mga alaala; naging kapalítan ng kendi; gamit pangkiskis sa kongkreto; pinang-ukit sa pangako ng pagmamahal sa isang bato. Hanggang sa ipinambato sa fountain na kinalakipan ng pangakong pagmamahal o dalangin ng kagalingan. Ang pagpapahalaga ay humigit sa pisikal na hitsura nitó—umikot-ikot hanggang sa maging panagdag na lámang sa mga okasyon, sa handaang hindi sapat ang limang pirasong perang papel. Pisong Rizal, kawawang káwal ng lipunan; naging limitado sa sukling kung minsan ang pagtanggap ay labag sa kalooban. Kabaligtaran sa mga naniniwalang magsasabing siya ay minsang nanahan sa ilalim ng marmol— nakahimlay nang walang pag-aalinlangan kung paano iikot ang sikulo na kinabukasan ay magmumula sa gatilyo ang kanyang kamatayan. Sapagkat dalawa lamang ang bahagi ng barya: ang tao at ang ibon— isang ta...

Lualhati

Lualhati sa ama, ilawan ang ina ng mga batang lumalaban sa lansangan. Lualhati sa mga anak na   mula sa dekadang sumupil,   sa kanilang bukang-liwayway ang naging sandigan. Babae ang dangal, lalaking iniluwal;   lalaking hinugot sa tadyang,   ang kaniyang hiningang pagál. Walang-saysay yaring libong dasal-pulang láso man o kalimbahing asal ng dekadang pinipigilan sa pag-usal. Sa bukang-liwayway ang kalayaan; Ang nakaambang pagdatal ng daluyong mula sa rumaragasang dugo  at ang lapot nitong nakakubli sa mga páhina ng mga dustang aklat. Ang wikang tinta, tonong pagsamo't pakikibaka,  ang aking taál. Lualhati sa mga ama, sa mga anak na hindi pa naluluwal; legasiyang sumibol, higit pa sa mga pilas ng mga akda. Lualhati sa espiritung sa kanya'y tatahak,  at sa sansinukob niyang walang magtatangkang yuyúrak.