Nasanay na sa pag-iisa
ang minsang mga kamay na nangungulila
sa isang araw kong pagkawala
ng kinakapitang bisig at
balikat na sinasandalan
at marahil naging bunga ito
ng pagtatantong ang pagmamahal
ay tila nakasusuya nang putahe
pero natatangi pa rin
kung kaya't nasa lamesa na
ang hinog na saging para sa kalamnan
at ang paborito mong tsokolateng tinapay
hinihiling na sana ang mga ito ang pumawi ng suyà
habang ang mga pirasong nangalaglag pa rin
mula sa maráhan mong pagnguya
ay 'di lingíd ng mga matang sa iyo nakatingin
na sa kabila ng mga hibla ng buhok
nahuhulog sa aking balikat
na bunga ng kalamlamán
at paghahanap ng rason
habang pilit na tinutulak sa sariling
sasambulat ang bukas na ako ay tataya pa rin
sa ‘di siguradong
sa kabila ng bingit ng pagkawala
at paralisadong estado,
maging higit ang pagnanais na manatili.
For like a conveyor belt I lay before you my present: prosthetically decapitated head; well decorated with crystals; synthetic beads; a barbed wire pierced through the iris. Hungry men before me: I examine, I hear the borborygmus, tingling sensation when my plastic bones crack and break the ceilings. A mirror on the wall where mother used to lean her idealism against. Now rest the rusts, webs of a Black Widow, which is not native to this house: as her now demeanor, as her now demeanor, repeating, reeling and reeling as I sit trying to weave, for my soft dreams have now become plagued long before I dared to sleep my heavy. As a belt: I lay my body as they try to fit the loose holes to fit my thinness. My insides as they churn from a deafening machine audibly discernible so my father could hear, yet faint as his late regrets.
Comments
Post a Comment