Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2022

Para sa Kaisa-isang Tulang Humihinga

Ang aking kuwento ay umiikot lamang sa dalawa: Hiraya sa umaga, katotohanan sa gabi. Narito ang mga Reduplikasyon ng mga salitang bibihis ng bugso. Aahon, bibilis, at tatalon hanggang maabot ang apat na sulok. Mananahan, at doon mananahan ang aking hapong katawan.   Escolta, anak ng Maynila, ako ay ampunin, sa iyong sulok Maglalakbay tayo nang nakayapak. Mula sa init ng natuyong aspalto, Magtatagpo tayo sa kung saan iniluwal ang isang anak ng Tundo. Ako ay luluwas nang madaling-araw kahit dalawang kilometro lang ang humihiwalay sa amin; Narito ang kasabikan ko, ang mga paa ang aakay patungo sa kanyang ina.   Uuwi at sasaluhin ng pinakamagaan na papag. Habang ang Elesi ang natatanging ingay na naririnig. Lahat ng pagod ay papawiin ng mapupulang labi; Sa mga mata ang kahandaan kong umibig sa aking sarili, At ang mismong init ay magpapatulog sa atin.   Ibig ko, sa aking panaginip, tayo ay naglalaro sa gitna ng mga sabi-sabi, Yaman ko ang ating sigaw sa lipunang hukom ang karaniwan. Obra n