Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2022

Hypochondriac

The thermometer and the Mercury, I touch while it is fragmented. Syringes and how they are accompanied by comforting words. Is it my death to begin with or my life to live? So, when did it all begin that the flatline has become my habit,  and the zigzag creeks I never want to befriend? A trapeze and my unharnessed body, A life of flights and my displayed fears of soar on concave mirrors. Will you tell me how my veins are a life of their own? Those spaces do fulfill their promises of recovery, and not a sentence with periods.  Tell me, I am sane along with my compulsions, that I am more worthy than any receipts of the pseudos. Of some thousand bucks as gratitude, I am more than the hundreds of pills I should be calling friends.  Ten thousand consistencies, million more, or maybe five times—five times counting the vase I always want to shatter seeking the righteous one that hides the magic pill. Am I sick?

Ang Apat na Sulok ng Impiyerno

I. PIGURIN Sinasayawan ng mga tao ang piguring gawa sa gintong tonelada ang bigat Animo'y buhay sa sariling kamatayan ng mga pumapasan―isang luhod, dalawang pagtaas ng mga kamay. "Ay, ay! Ito ang rituwal ng kanilang nakaupong anito. Ito ang awit at ang sayaw na Na ang tagpo ay sa hilaga. Ang sinag ng Araw ay wala sa  Libong dasal, kung 'di sa mapambuhay nitong mga galamay. Subali't Umulan man ay wala pa ring apoy ang Araw na magpapainit sa nilalamig na mga kaluluwa. Landas sa kanilang magliligaw sa kagubatang lumuwa sa kanilang paghihirap. Ang pigurin ay bababa mula sa limang-talampakan niyang pedestal. Mula rito, Ni anino ay hindi makikita ng mga tagasunod, ngunit at Ang buntot na gawa sa limpak-limpak na salapi ay kikinang at makikita ang pagkabahag nito. Narito ang tanso ng traydor, ang ginto ng ganid. Lahat ay Gawa mula sa paghihinagpis at pagmamakaawa ng kanyang lipon. Kung ito ay susukatin ng mga paa, hindi sasapat ang libong pulo ng bayan; Ang kaliwa ay nakaturo